dzme1530.ph

Sulu Gov. Abdusakur Tan, may paki-usap sa mamamayan ng Sulu sa pagsalubong sa Eidl Fitr

Hiniling ni Sulu Governor Abdusakur Tan sa mga residente ng Sulu na huwag magpaputok ng baril sa paggunita ng Eidl Fitr bilang pagtatapos sa banal na buwan ng Ramadan.

Sinabi ni Governor Tan na mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga gawain na magpapatibay ng samahan ng bawat pamilya.

Kung kaya’t huwag sanang bahiran ng maling gawain at tuluyang mawalan ng saysay ang isang buwan na pagsasakripisyo sa buwan ng pagaayuno.

Payo pa ng gobernador, walang maidudulot na kabutihan ang pagpapaputok ng baril, bagkus kasawian lamang ng dala nito sa mga magiging biktima ng pagiging iresponsable ng iba.

About The Author