dzme1530.ph

DELEGASYON NG US AT IRAN, UMALIS NA SA PAKISTAN, NANG WALANG NABUONG KASUNDUAN

Loading

Nilisan na ng negotiating team ng Iran ang Islamabad matapos ang marathon talks subalit walang nabuong kasunduan sa US, ayon sa Pakistani at Iranian sources.
 
Sa report ng state-affiliated na Tasnim, ang delegasyon ng Iran ay binubuo ng 71 personalities, na kinabibilangan ng negotiators, experts, media representatives at security.
 
Sa kabila ng 21 hours na masinsinang usapan sa US, kasama ang Pakistan na nagsisilbing mediators, bigo ang magkabilang panig na makabuo ng agreement.
 
Umalis na rin ang buong US delegation sa Pakistan, kasama si Vice President JD Vance, na nagpahiwatig na ang main disagreement ay sumentro sa pagtanggi ng Iran na abandonahin ang kanilang nuclear program.

About The Author