![]()
Hinikayat ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Pinoy na ikunsidera ang voluntary repatriation program ng gobyerno sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East.
Ayon sa embahada, mas mainam ikunsidera ang repatriation habang available pa ang commercial flight at airport operations.
Patuloy ang monitoring nila sa sitwasyon sa gitna ng massive attack ng Israel.
Inihayag ng embahada na nananatiling ligtas ang Filipino community leaders at local coordinators.
Patuloy din ang panawagan nito sa mga Pinoy na manatili sa mga ligtas na lugar kasama ang kanilang mga employer, iwasan ang mga crowded areas at laging i-monitor ang legitimate news sources.
Bukod dito, dapat tiyaking palaging naka-charged ang kanilang mga devices at panatilihin ang kanilang passports at mga importanteng dokumento na accessible.
