dzme1530.ph

PILIPINAS, NAKIISA SA PAGSUSULONG NG PROTEKSYON SA UN PEACEKEEPERS SA LEBANON

Loading

Nakiisa ang Pilipinas sa 65 mga bansa na nananawagan ng proteksyon para sa United Nations peacekeepers na naka-deploy sa Lebanon sa gitna ng patuloy na pag-atake ng Israel.
 
Kinondena rin ng mga bansa ang patuloy na pag-atake sa UN Interim Force in Lebanon o UNIFIL na nagresulta na sa pagkamatay ng tatlong Indonesian peacekeepers, at pagkasugat ng maraming iba pa mula sa France, Ghana, Indonesia, Nepal at Poland.
 
Sa datos, nagsimula ang pagtindi ng tensyon sa Lebanon noon pang March 2.
 
Binigyang-diin sa panawagan na ang pag-atake sa mga peacekeepers ay maituturing na paglabag sa international law at maaaring maging war crime.
 
Nababahala na rin ang iba’t ibang bansa sa lumalalang humanitarian situation sa Lebanon
 
Kaya’t bahagi ng panawagan ay ang balikan ang 2024 cessation of hostilities arrangement at bigyang respeto ang UN Security Council Resolution 1701 na naglalayong panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa Southern Lebanon.

About The Author