dzme1530.ph

KIM CHIU AT PAULO AVELINO, NAGHAHANDA PARA SA KANILANG UNANG “LOVE, KIMPAU” WORLD TOUR

Loading

Nakakatakdang dalhin nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang kanilang on-screen partnership sa global stage.
 
Naghahanda na ang dalawa para sa nalalapit nilang “Love, KimPau World Tour” para sa kanilang unang international show.
 
Inamin ni Kim na magkahalong excitement at pressure ang kanyang nararamdaman para sa world tour na pinangungunahan nila ni Paulo.
 
Sinabi ng aktor na kinakabahan din siya subalit sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan ay magiging makabuluhan ang tour para pasalamatan ang kanilang supporters.
 
Magsisimula ang “Love, KimPau” World Tour sa Amerika sa April 24 bago tumungo sa Canada.

About The Author