![]()
Pinayagan ni Education Secretary Sonny Angara ang mga private school na mayroon pang pasok, na magkaroon ng mas maluwag na pagpapatupad ng klase upang makatipid sa konsumo sa kuryente.
Sa memorandum na inilabas ng Department of Education (DepEd), maaring magpatuloy ang private schools sa limang araw na face-to-face classes o kaya ay blended learning.
Hindi na kailangan ng prior approval kung lilipat sa blended learning ang private school, basta’t susundin ang rules at ipaaalam ito sa kanilang schools division office.
Sa ilalim ng guidance para sa blended learning, maaring magkaroon ang mga paaralan ng remote class, isang araw kada linggo para sa kinder hanggang grade 6.
Para naman sa grade 7 hanggang 10, maari ang hanggang dalawang araw na remote learning kada linggo habang tatlong araw naman para sa mga senior high school.
