dzme1530.ph

INFRASTRUCTURE SPENDING, BUMAGSAK NG 28% NOONG DISYEMBRE

Loading

Bumaba ng 28% ang infrastructure spending noong Disyembre, bunsod ng epekto ng corruption scandal, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
 
Sa pinakahuling datos mula sa ahensya, bumagsak ng 27.9% o sa 105.8 billion pesos ang ginastos sa imprastraktura noong huling buwan ng 2025.
 
Mas mababa ito ng 40.9 billion pesos kumpara sa 146.7 billion pesos na infrastructure spending na naitala noong December 2024.
 
Gayunman, lumobo ng 120.3% ang infrastructure spending noong December 2025 mula sa 48 billion pesos noong Nobyembre ng nakaraang taon.
 
Iniugnay ng DBM ang annual decline sa “delays and slowdown in payments” dulot ng mas mahigpit na kontrol, kasunod ng pagkakabunyag ng mga anomalya sa flood control projects.

About The Author