![]()
Ang pagkain ng pinya, ayon sa mga eksperto, ay maaaring makatulong sa mga nakararanas ng hindi komportableng sintomas sa panahon ng kanilang monthly period o regla.
Ayon sa mga pag-aaral, ang pineapple ay mayaman sa enzyme na tinatawag na bromelain na kilalang may anti-inflammatory properties.
Dahil dito, maaari itong makatulong sa pagbawas ng pamamaga at pananakit ng tiyan na karaniwang nararanasan sa panahon ng menstruation.
Bukod dito, taglay din ng pineapple ang vitamin C na nakatutulong sa pagpapalakas ng immune system at pagbibigay ng masiglang pakiramdam.
Mahalaga ito lalo na kapag nakararanas ng pagkapagod at iritabilidad ang mga babae habang may monthly period.
Nakakatulong din ang pagkonsumo ng pineapple sa pag-relax ng mga muscles sa matris, na maaaring magpababa ng intensity ng menstrual cramps.
Dahil dito, mas nagiging magaan ang pakiramdam ng isang babae sa kabuuan ng kanyang period.
Gayunman, ipinapaalala ng mga doktor na dapat pa ring kumain ng pinya sa tamang dami lamang.
Ang sobrang pagkonsumo nito ay maaaring magdulot ng iritasyon sa tiyan o allergic reactions sa ilang tao.
