dzme1530.ph

EX-ENHYPEN MEMBER NA SI HEESEUNG, NAGSOLO GAMIT ANG PANGALANG EVAN

Loading

Naghahanda ang Korean singer na si Heeseung para sa kanyang solo career, kasunod ng pag-alis niya sa ENHYPEN.

 

Inanunsyo ng agency ng grupo na BELIFT LAB noong Marso ang pagkakalas ni Heeseung sa ENHYPEN subalit mananatili na kanilang talent.

 

Kamakailan lang ay ibinahagi ng label ang mga unang larawan ni Heeseung bilang solo artist, gamit ang bagong pangalan na “EVAN.”

 

Ayon sa Korean singer, maraming hatid na alaala sa kanyang kabataan ang pangalang “EVAN” at umaasa siya na sa pamamagitan nito ay maabot ng kanyang musika ang fans at maipakilala niya ng buo ang kanyang sarili.

 

Ang bagong Instagram account na EVAN ay mayroon na agad 2 million followers.

 

Nag-debut si Heeseung kasama ang ENHYPEN noong 2020, kasama sina Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo, Ni-Ki, at leader na si Jungwon sa reality competition show na “I-LAND.”

About The Author