dzme1530.ph

PAGDINIG NG HOUSE PANEL SA IMPEACHMENT LABAN KAY VP SARA SA APRIL 14, NILINAW NA HINDI PA TRIAL

Loading

Binigyan linaw ngayon ni Manila Cong. Joel Chua na ‘clarificatory questions’ lamang at hindi trial ang pagdinig sa Abril 14.
 
Ayon sa chairman ng House Committee on Good Gov’t and Public Accountability, nakatuon lamang ito sa clarificatory questions dahil walang cross-examination sa yugtong ito.
 
Hindi pa umano ito ang tamang forum para trial dahil eksklusibo ito sa Senado na tatayong Impeachment Court.
 
Saad pa ni Chua, ang paggamit ng salitang ‘mini-trial’ ay simpleng paglalarawan lamang, dahil sa esensya, ang proseso ay nananatili sa preliminary stage at hindi pa talaga paglilitis.
 
Ang pagpapatawag aniya sa ilang personalidad at pagpapasumite ng dokumento at records ay para lamang i-stablish ang ‘authenticity’ ng mga ebidensyang isinumite sa komite.
 
Dagdag pa ni Chua, crucial ang verification dahil kung hindi tiyak ang mga pahayag at ebidensya, mawawalan ng bigat o silbi ang testimonya.

About The Author