![]()
Mayorya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi sa bansa sa gitna ng kaguluhan sa Middle East ang balak pa ring bumalik sa ibang bansa.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, 84% ng repatriated OFWs ay umaasang makapagta-trabaho muli sa abroad.
Base anya ito sa survey na kanilang ginawa bago ang pagdating ng Pinoy workers sa Pilipinas.
Sinabi ni Cacdac na 50% ang sumagot ng 50-50 kung babalik pa sila sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan.
Idinagdag ng kalihim na bibigyan ng pagkakataon ang mga naturang OFW na makabalik sa pamamagitan ng facilitated processing ng kanilang clearances dahil mayroon pa silang valid employment visas.
Samantala, inihayag ni Cacdac na mayroong 200,000 jobs na inihanda sa Asia, Africa, Europe at America para sa mga OFW na nais magbago ng kanilang trabaho at lokasyon ng employment.
