![]()
Isa na namang Filipina singer ang lumikha ng magandang impresyon sa “Britain’s Got Talent.”
Sa latest episode ng reality competition, isang makapapanindig-balahibong performance ang ipinamalas ni Kristel Herrera.
Inawit ng Pinay na naninirahan sa Halifax, West Yorkshire ang “Run to You” ni Whitney Houston.
Pagkatapos ng kanyang powerful audition, nakatanggap si Kristel ng apat na yes mula sa mga judge na sina KSI, Amanda Holden, Alesha Dixon, at Stacey Solomon, na humalili sa head judge na si Simon Cowell.
Sinamahan pa ito ng standing ovation mula sa audience.
Uusad ang Pinay singer sa susunod na round kung saan kailangan niyang makakuha ng spot para sa live semifinals.
Una nang nakakuha si Matty Juniosa ng golden buzzer nang mag-audition ito, na ang ibig sabihin ay otomatik itong uusad sa live semifinals.
