dzme1530.ph

320 BILLION PESOS, POSIBLENG MAWALA SA GOBYERNO KAPAG SINUSPINDE ANG VAT SA PETROLYO

Loading

Posibleng umabot sa 320 bilyong piso ang mawawalang kita sa gobyerno kung sususpindihin ang pagpataw ng value added tax sa produktong petrolyo.

 

Ito, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, ay bukod pa sa 200 bilyong pisong koleksyon na mawawala sa gobyerno kung sususpindihin naman ang excise tax.

 

Sinabi ni Lacson na kailangang masusing pag-aralan ang mga panukalang ito dahil may malaking epekto ito sa kita ng gobyerno.

 

Kasabay nito, ipinaliwanag ng senador na kung ipatutupad ang suspensyon ng excise tax batay sa batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspendihin ang buwis, ay hindi naman agad mararamdaman ang epekto nito.

 

Binigyang-diin niya na posibleng sa Hunyo pa maging epektibo ang suspensyon dahil kinakailangan pa ng isang buwang monitoring sa galaw ng presyo ng crude oil sa world market bago pa magrekomenda sa Pangulo ang economic team.

About The Author