![]()
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,091 road crash accidents sa nagdaang Mahal na Araw.
Ayon kay DOH spokesperson Albert Domingo, naitala ang naturang bilang simula March 29 (Linggo ng Palaspas) hanggang April 2 (Huwebes Santo) mula sa 161 hospitals sa buong bansa.
Mas mataas ito ng 150% kumpara sa 437 road crash accidents na naitala sa kaparehong panahon noong 2025.
Gayunman, sinabi ni Domingo na hindi ito nangangahulugang dumarami ang mga aksidente.
Aniya, maaaring nadagdagan lamang ang mga ospital na nagre-report.
Pinakamaraming insidente ang naitala sa Central Luzon na may 196, sinundan ng Davao Region na may 161, at Ilocos Region na may 159.
