![]()
Inanunsyo ng BINI na ilalabas ang kanilang pinakabagong EP o extended play na “Signals” sa April 9.
Ginawa ang anunsyo, kasabay ng cover art reveal, kung saan naka-pose ang nation’s girl group bilang giants sa isang city setting.
Sa caption, sinabi ng BINI na “All frequencies are aligned from the tropics to the world.”
Magkakaroon din ang P-pop group ng “Signals” concerts sa Manila sa June 20 at sa Cebu sa July 11.
Nakatakda namang gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang first Filipino girl group na magpe-perform sa Coachella sa California.
