![]()
Pinaalalahanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga operator ng bus at iba pang public utility vehicles (PUVs) na mga pelikulang may G o General Patronage at PG o Parental Guidance ratings lamang ang kanilang ipalabas.
Sa gitna ito ng pag-uwi ng maraming Pilipino sa kani-kanilang probinsya para magbakasyon ngayong Mahal na Araw.
Saklaw ng direktiba ang mga operator ng bus, sea vessels, at PUVs na nagpapalabas ng films at series.
Ang mga pelikulang rated G ay maaaring panoorin ng lahat ng audience habang ang may PG rating ay nangangailangan ng patnubay ng magulang o nakatatanda bunsod ng ilang partikular na tema.
Idinagdag ng LTFRB na magsasagawa sila ng on-site inspections upang matiyak ang pagtatalima ng mga PUV.
