![]()
Umakyat sa halos 400 billion pesos ang gross borrowings ng National Government noong Enero.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo ng 88.7% o sa 398.38 billion pesos ang kabuuang inutang ng pamahalaan sa unang buwan ng 2026, mula sa 211.07 billion pesos noong January 2025.
52% ng total gross borrowings noong Enero ay kumakatawan sa domestic debt na naitala sa 208 billion pesos.
Lumobo naman ng 221.7% o sa 190.38 billion pesos ang gross external debt mula sa 59.18 billion na naitala noong Enero ng nakaraang taon.
