![]()
UMAASA si Senate President Vicente Tito Sotto III na pag-aaralan ng administrasyon ang kanyang isinusulong na panukala sa pagbasura sa Oil Deregulation Law.
Sinabi ni Sotto na umaasa siyang pag-aaralan ito mismo ng Department of Economy Planning and Development o DepDev.
Ito ay kasunod ng impormasyon na maraming kumpanya ng langis ang nagpataw ng mas mataas na presyo sa kanilang produkto kahit dati na nilang imbentaryo ang ibinebenta.
Sa Senado, ipinaliwanag ng Department of Energy na ipinasa na sa consumers ang replacement cost o gastos ng oil companies sa pagbili ng bagong supply.
Nagagawa umano ito ng mga oil companies dahil deregulated ang oil industry.
Sa panukala ni Sotto, ibabasura na ang Downstream Oil Deregulation Law upang maibalik sa gobyerno ang awtoridad na pangasiwaan ang presyo ng petrolyo.
Direkta anyang apektado ang presyo ng petrolyo ng geopolitical tension sa Middle East kaya’t kai;angan ng transparency, scrutiny at uniformity sa pagtatakda ng presyo.
