dzme1530.ph

OIL REFORM MEASURES, DAPAT PRAYORIDAD SA GAGAWING PAGDINIG NG KAMARA

Loading

Iginiit ng Makabayan Bloc na gawing prayoridad sa gagawing joint hearings na iniutos ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, ang oil reform measures na kanilang inakda.

 

Ayon sa grupo, dapat mga konkretong solusyon sa problema ang talakayin sa joint hearings kasama ang Executive Branch, at hindi stopgap measures at publicity driven mitigation lamang.

 

Ang kailangang dapat na isabatas ay pagpapababa sa presyo ng bilihin, paghinto ng profiteering, at pagbuwag sa bigong deregulation framework na pumabor lamang sa mga cartel.

 

Ayon sa Makabayan, ang problema sa oil crisis ay totoo, at mas lumala dahil sa Middle East war na sinabayan pa ng espekulasyon.

 

Sa kanilang panukala, ibabalik ang regulasyon sa downstream petroleum industry, e-repeal ang Oil Deregulation Law, pagtatag ng genuine price regulation, transparency sa unbundling at disclosure ng profit margin.

 

Kabilang din sa isinusulong na reporma ang pagbuo ng centralized procurement mechanisms para mabawasan ang vulnerability sa price manipulation, supply shocks, at pag-reacquire sa Petron para maibalik ang public counterweight at predatory pricing.

About The Author