![]()
Kinumpirma ni Energy Secretary Sharon Garin na maraming oil companies ang dumaraing sa kanila dahil sa “exaggerated” o labis na taas ng presyo ng produktong petrolyo na iniaalok sa kanila ng mga international suppliers.
Sinabi ni Garin na gumagawa na sila ng mga hakbangin upang matulungan ang mga local oil firms na makakuha ng supply sa rasonableng presyo at matiyak na stable ang fuel supply ng bansa.
Nangako rin ang kalihim na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya at katunayan ay bumubuo sila ng mga istratehiya upang mabawasan ang epekto ng tensyon sa Middle East.
Nakikipag-ugnayan na anya sila sa iba pang bansang supplier ng langis at makabuo ng bagong partnerships.
Kabilang sa mga tinatarget nilang potential suppliers ang Colombia, Argentina, Canada, Australia at United States.
Binigyang-diin pa ni Garin na pinaprayoridad din nila ang pagbuo ng long-term energy security sa pamamagitan ng pagpapalawak ng trade network ng bansa.
