![]()
Sa kanyang hometown sa Ilocos Norte mananatili si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong Holy Week.
Sinabi ni Pangulong Marcos na mananatili siya ng ilang araw sa Ilocos Norte at babalik din sa Manila sa weekend.
Hindi naman na idinetalye ng Pangulo ang kanyang mga aktibidad para sa Lenten season.
Una nang ipinaalala ng Pangulo ang kahalagahan ng pagmamalasakit at serbisyo sa gitna ng paggunita sa mga Mahal na Araw.
Nakikiisa ang Punong Ehekutibo sa mga Katoliko sa pagninilay ng mga pahirap ni Kristo ngayong Semana Santa.
Hinimok din ng Pangulo ang publiko na buhayin ang kanilang commitment sa pagmamahal, serbisyo at pananampalataya.
