dzme1530.ph

PHILIPPINE RED CROSS, NASA HEIGHTENED ALERT STATUS NGAYONG SEMANA SANTA

Loading

Nasa heightened alert status na ang buong pwersa ng Philippine Red Cross o PRC kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.

 

Ayon sa PRC, kabuuang 2,224 na tauhan ang kanilang ipapakalat sa iba’t ibang panig ng bansa upang umasiste sa mga biyahero.

 

Mayroon din silang mga teams na naka-standby sa 226 first aid stations at 113 welfare desks.

 

Nakahanda rin ang kanilang mga ambulansya, patrol teams at iba pang emergency vehicles na nakakalat sa iba’t ibang strategic positions kabilang na sa mga simbahan at major public areas.

 

Hinihikayat naman ng PRC ang publiko na agad na tumawag sa 143 hotline kung kailangan ng agarang tulong.

About The Author