dzme1530.ph

PEACE PROPOSALS NG US, TINAWAG NA UNREALISTIC NG IRAN

Loading

“Unrealistic, Illogical And Excessive.”

 

Ganito inilarawan ng Iran ang Proposals ng Estados Unidos para matapos na ang isang buwang kaguluhan sa Middle East.

 

Kasabay nito ay ang paglulunsad ng Tehran ng karagdagang missiles sa Israel, makaraang sumawsaw na rin sa gulo ang Houthi Rebels ng Yemen.

 

Inihayag naman ng Israel na dalawang drones mula sa Yemen ang na-intercept nila kahapon, dalawang araw matapos magpakawala ang Iran-Aligned Houthis ng missiles sa Israel sa unang pagkakataon mula nang mag-umpisa ang US-Israeli War sa Iran na kumalat na sa rehiyon.

 

Nagpakawala rin ng rockets sa Israel ang grupong Hezbollah ng Lebanon, kahapon.

About The Author