dzme1530.ph

MAHIGIT 2 BILLION PESOS NA HALAGA NG SMUGGLED NA SIGARILYO, NAKUMPISKA NG PNP SA UNANG QUARTER NG TAON

Loading

Mahigit dalawang bilyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang kinumpiska ng PNP simula Jan. 1 hanggang March 29 ngayong taon.

 

Ayon sa PNP, nagsagawa sila ng 3,153 operations sa naturang panahon na nagresulta ng pagkakadakip sa 1,187 individuals.

 

Nasamsam din ang 246,085 packs at 484,064 reams ng sigarilyo, pati na 9,961 master cases at iba’t ibang manufacturing equipment.

 

Sa mga unit ng PNP, ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nakapagtala ng pinakamataas na halaga ng nakumpiska na mahigit 690 million pesos.

 

Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., na malaki ang epekto sa ekonomiya ng pagkumpiska sa mga kontrabando.

About The Author