![]()
Pinangunahan ni Senador Robin Padilla ang mga tagasuporta ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusumite ng 3rd batch ng kanilang signature campaign sa Korte Suprema para ipanawagan ang agarang aksyon sa mga petisyon kaugnay sa pag-aresto sa dating punong ehekutibo.
Ang unang batch ng mga lagda ay isinumite noong Pebrero at sinundan ng ikalawang batch noong unang bahagi ng Marso.
Ayon sa isang volunteer na si Joei Cruz, kabuuang 304,000 na lagda ang kanilang nakalap.
Sinabi ni Padilla na hiling nilang aksyunan na ng Korte Suprema ang mga nakabinbing petisyon sa pag-aresto at pagdadala kay Duterte sa The Hague.
Kabilang sa mga nakabinbin ay ang petisyon humihiling na pagbabawalan ang gobyerno ng Pilipinas na makipagtulungan sa International Criminal Court at sa Interpol.
