![]()
Kinumpirma ng Department of Energy na aabutin ng 50.94 days ang kasalukuyang suplay ng produktong petrolyo ng bansa.
Kasabay nito, tiniyak ng DOE na may paparating pang deliveries ng produkto sa mga susunod na buwan.
Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na umaabot ngayon sa 70.052 million liters ang total inventory ng mga produktong petrolyo.
Kabilang dito ang 22.326 million liters ng gasoline; 32.516 liters ng diesel; 142,140 liters ng kerosene; 6.320 million liters ng jet fuel; 2.472 million liters ng fuel oil; at 10.274 liters ng LPG.
Sa kabila nito, pinaalalahanan pa rin ni Garin ang publiko na magtipid sa paggamit ng produktong petrolyo.
