dzme1530.ph

NO DISCONNECTION POLICY SA TUBIG AT KURYENTE, DAPAT IPATUPAD SA GITNA NG KRISIS

Loading

INIREKOMENDA ni Senador Jinggoy Estrada sa gobyerno na ikunsidera ang pagpapatupad ng mga patakaran na makakatulong sa mga Pilipino upang malampasan ang hirap ng buhay sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East.
 
Sinabi ni Estrada na makabubuting ipatupad ng pamahalaan ang no-disconnection policy sa mga public utilities tulad sa tubig at kuryente.
 
Dapat anyang magkaroon ng flexible payment term o installment scheme sa pagbabayad ng singil sa kuryente at tubig.
 
Ngayong nasa ilalim anya ng state of national energy emergency ang bansa, dapat ding hikayatin ng pamahalaan ang pribadong sektor na magpatupad ng telecommuting o work from home bilang altenatibong arrangement para sa mga empleyado o manggagawa.
 
Naaayon naman anya ito sa Republic Act No. 11165 o Telecommuting Act.
 
Naipatupad na anya ang ganitong polisiya noong COVID -19 pandemic kaya’t walang hadlang na muli itong gawin ngayon.

About The Author