![]()
Pinaigting ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kanilang public assistance operations upang matiyak ang reliable at tuluy-tuloy na komunikasyon ngayong Semana Santa.
Inatasan na ng NTC ang lahat ng regional offices na makipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, Civic Action Groups, Amateur Radio Groups, at Local Government Units para sa pagpapalakas ng on-the-ground communication support at emergency response.
Mag-iisyu rin ang NTC ng temporary permits at licenses para sa seamless operation ng communication support teams lalo na’t milyong Pinoy ang inaasahang magbabiyahe sa iba’t ibang panig ng bansa.
Hinimok naman ng NTC ang mga telecommunication companies at broadcast entities na makipagtulungan para sa napapanahon at tamang pagpapalabas ng public advisories.
