![]()
Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na simula sa April 1 madaragdagan ang ipinapataw na passenger fuel surcharge.
Ayon sa CAAP, mula Level 4 ay magiging Level 8 ang passenger fuel surcharge para sa 15-araw na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Nilinaw naman ng CAAP na wala pang agarang impact sa pamasahe ang pagtataas ng passenger fuel surcharge.
Idinagdag pa ng CAAP na nakabook na rin ang biyahe ng mga Holy Week travelers.
Sa kabilang dako, tiniyak ng CAAP na magbabawas naman sila ng aeronautical fees at service charges upang mabawasan ang pasanin ng mga airline companies at mga pasahero.
