dzme1530.ph

NAKAKASIRA NGA BA ANG METFORMIN SA KIDNEY O BATO? ALAMIN

Loading

Ang metformin na 500, 850 at 1000 milligrams ay inirereseta sa mga taong diagnose ng sakit na diabetes.

 

Nagpapababa ito ng blood sugar dahil binabawasan ang glucose production ng liver, binabawasan ang intestinal absorption ng glucose at na-improve ng sensitivity ng katawan sa insulin.

 

Kadalasang side effects nito ang diarrhea, pagsusuka o pakiramdam na nasusuka, pagiging bloated, pagkapagod, pananakit ng tiyan, pananakit ng ulo, constipation, pagkakaroon ng metallic taste at cold symptoms.

 

Kapag nagkaroon naman ng allergic reactions tulad ng hirap sa paghinga, mabilis na tibok ng puso, pamamaga ng mukha, labi, bibig at dila, nahihirapang lumunok, mayroong mga rashes at parang mawawala sa ulirat ay dapat nang magpadala sa ospital.

 

Ngunit marami rin ang nangangamba na posibleng nakakasira ito ng kidney o ng bato.

 

Ayon sa mga eksperto, fake news ang ganitong pahayag dahil ang totoong sumisira sa bato ng mga taong may diabetes ay ang sakit nilang ito mismo.

 

Ang diabetes ay unti-unting nagdudulot ng pagkasira ng kidney kung hindi aagapan.

 

At ang metformin ang nagiging unang depensa ng kidney laban sa diabetes dahil nilalaban nito ang epekto ng sakit sa bato.

 

Kaya’t kung babalewalain ng mga may diabetes ang metformin ay lalo lamang masisira ang kanilang kidney.

About The Author