dzme1530.ph

ISA NA NAMANG PINOY SINGER, NAGPABILIB SA BRITAIN’S GOT TALENT

Loading

Isa na namang Filipino singer ang nagpakitang gilas sa entablado ng Britain’s Got Talent at umani ng express ticket sa naturang reality TV show.

 

Napabilib ni Matty Juniosa ang hard-to-impress na judge na si Simon Cowell, sa kanyang rendition ng “Purple Rain” ni Prince.

 

Ipinakilala si Juniosa sa show bilang 27-year-old waiter mula sa Pilipinas.

 

Binigyan ng crowd ng standing ovation ang dating “Idol Philippines” finalist pagkatapos ng kanyang performance.

 

Hindi naman nagtagal ay diniinan ni Simon ang golden buzzer para kay Juniosa, na garantiya para sa isang contestant na may spot na ito sa live shows.

About The Author