![]()
Upang matulungan ang mga manggagawang posibleng mawalan ng kita o trabaho bunsod ng krisis sa enerhiya, naglaan ang Department of Labor and Employment ng 1.2 billion pesos na standby fund.
Gagamitin ang pondo sa pagpapaigting ng support program sa gitna ng nararanasang national energy emergency.
Batay sa pahayag ng DOLE, ang programa ay nakahanda upang suportahan ang vulnerable workers.
Malaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged o displaced workers o TUPAD at sa Integrated Livelihood Program.
