dzme1530.ph

PAGPAPATUPAD NG WORK FROM HOME ARRANGEMENT, IPINAUUBAYA NG MALAKANYANG SA MGA PRIBADONG KUMPANYA

Loading

Ipinauubaya ng Malakanyang sa mga pribadong kumpanya ang desisyon kung magpapatupad ng work from home arrangement sa kanilang mga empleyado sa gitna ng patuloy na mataas na presyo ng produktong petrolyo.

 

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, malaki ang maitutulong kung magpapatupad ng ganitong sistema ang mga pribadong kumpanya.

 

Ito ay kasunod ng pahayag ng isang business organization na pinag-aaralan na nila ang work from home set-up para mapagaan din ang pasanin ng mga empleyado.

 

Nilinaw naman ni Castro na hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anumang polisiya na ipatutupad ng mga private companies.

 

Binigyang-diin ni Castro na mahalaga sa ngayon ang pagtutulungan at pagkakaisa ng lahat ng sektor upang matugunan ang pangangailangan ng lahat sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.

About The Author