dzme1530.ph

20% NG MGA MIYEMBRO NG MOTORCYCLE TAXI COMMUNITY ALLIANCE, HINDI PA NAKATATANGGAP NG AYUDA

Loading

Isiniwalat ng motorcycle rider group na nasa 20% pa ng kanilang mga miyembro ang hindi pa rin nakatatanggap ng P5,000 na financial assistance.

 

Dahil dito, nangangamba ang Motorcycle Taxi Community Alliance (MTCA) na baka mayroong mga hindi kwalipikadong indibidwal na nakasama sa listahan ng mga benepisyaryo.

 

Sinabi ni MTCA Chairman Romeo Maglunsod na dapat ay suriing mabuti ang listahan upang matiyak na talagang bahagi ng industriya ang mabibigyan ng ayuda.

 

Noong Sabado, madaling araw pa lang ay nakapila na ang motorcycle taxi riders sa Metro Manila para kubrahin ang tulong-pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

Sa kabila naman ng gaps sa distribusyon, nagpasalamat pa rin si Maglunsod sa pamahalaan dahil marami sa kanilang mga miyembro ang nakatanggap ng financial assistance.

About The Author