dzme1530.ph

WORK FROM HOME AT CAR POOLING SA MGA PRIBADO AT PAMPUBLIKONG KUMPANYA, ISINUSULONG

Loading

INIREKOMENDA ni Senador Erwin Tulfo ang pagbabalik ng work from home program ng mga pribadong kumpanya at pamahalaan para makatipid ang mga manggagawa.
 
Sinabi ni Tulfo na kung hindi naman kailangan ang pisikal na presensya o aktibidad ng manggagawa sa trabaho, mas maiging magreport na lamang online.
 
Inihalimbawa niya ang mga nasa opisina sa planning, research, administration, customer service at iba pang kahalintulad na trabaho na maaaring mag-work from home.
 
Nagawa naman anya ito noong pandemic at epektibo naman maging ang pagtuturo sa mga mag-aaral noong panahon ng covid ay online.
 
At kung kailangan anya ang presensya sa trabaho tulad sa manufacturing, hotel at restaurant, o sa ospital pwedeng isang sasakyan na lang ang mga magkakatrabaho at hati-hati na lang sa gas.
 
Maaari rin anyang magbook ang mga magkaka-opisina sa ride hailing app at hati-hati na lang sa pamasahe.

About The Author