![]()
Inaasahang darating sa bansa ang unang batch ng 1.04 million barrels ng diesel ngayong Linggo, ayon kay Executive Secretary Ralph Recto.
Sa statement, sinabi ng punong kalihim na ang pagdating ng inorder na fuel ay kasunod ng oil diplomacy na isinagawa ng Department of Energy.
Idinagdag ni Recto na mahigpit din ang ibinigay na garantiya ng Indonesia sa Pilipinas para sa steady supply ng coal.
Una nang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroong sapat na supply ng langis ang bansa hanggang sa June 30, 2026.
