dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, HINIMOK ANG MGA PILIPINO NA MAGNILAY NGAYONG MAHAL NA ARAW

Loading

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipinong Katoliko na magnilay sa mga sakripisyo ni Hesukristo at tumulong sa iba sa kabila ng mga pagsubok ngayong Mahal na Araw.

 

Binigyang diin ng Pangulo na inaalala sa taimtim na panahong ito ang hindi masusukat na pagmamahal ni Hesukristo na nag-alay ng kanyang buhay bilang pagsunod sa kagustuhan ng Diyos Ama.

 

Idinagdag ni Marcos na ang pagpapakasakit ni Kristo ay nagpapaalala sa atin na ang tunay na kadakilaan ay hindi matatagpuan sa kapangyarihan, kundi sa pagsasakripisyo.

 

Hindi rin aniya sa prebilehiyo, kundi sa paglilingkod, at hindi sa kaginhawaan, kundi sa lakas ng loob na pasanin ang bigat ng pasanin ng iba.

 

Umaasa ang Punong Ehekutibo na ngayong Semana Santa, pagtitibayin ng ating pananampalataya ang pagtutulungan bilang isang bansa na may nagkakaisang layunin at tapat na paglilingkod.

 

Hangad ng Pangulo na magkaroon ang bawat isa ng makabuluhan at mapagpalang Mahal na Araw.

About The Author