![]()
Organisado at episyente ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga transport worker sa lungsod ng Marikina.
Ibinida ng mga benepisyaryo na hindi lamang ang maayos na prosesong ipinatupad ng lokal na pamahalaan, kundi pati ang dagdag na suporta sa distribusyon, gaya ng libreng pagkain, meryenda, kape, at tubig, pati na grocery packs para sa mga PUV driver.
Pinuri at pinasalamatan ng mga tsuper ang Marikina City local government sa pamumuno nina Mayor Maan Teodoro at 1st District Rep. Marcy Teodoro, sa suportang ibinigay sa kanila habang naghihintay ng ayuda.
Mahigit, 9,000 PUV drivers, kabilang ang mga motorcycle taxi, delivery service, at jeepney drivers, ang nakatanggap ng tig-5,000 pesos na cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa gitna ng pagsipa ng presyo ng langis. | via Lea Soriano-Rivera
