dzme1530.ph

OSCARS, LILISANIN NA ANG HOLLYWOOD SA 2029, AYON SA ACADEMY

Loading

Iiwan na ng Oscars ang Hollywood matapos ipagdiwang ang kanilang centenary, ayon sa organizers, kasabay ng pag-anunsyo sa long-term deal na gawin ang gala sa Central Los Angeles.

 

Sinabi ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences na ang seremonya, na pinakamahalagang gabi ng taon para sa global film industry, ay aalis na sa Dolby Theater sa Hollywood Walk of Fame pagkatapos ng 2028.

 

Sa halip, ang 2029 edition ay gaganapin na sa The Peacock Theater, na bahagi ng malawak na L.A. Live complex, katabi ng Crypto.com Arena, na tahanan ng Los Angeles Lakers.

 

Ayon kina Academy CEO Bill Kramer at President Lynette Howell Taylor, ang 10-year deal sa AEG ay kasunod ng pag-alis ng ceremony sa network television sa U.S., na i-broadcast worldwide sa pamamagitan ng YouTube.

About The Author