![]()
Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng 16.5 billion pesos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para ipagpatuloy ang konstruksiyon ng mahahalagang infrastructure projects.
Sinabi ng DBM na ang halagang ni-release ay sa pamamagitan ng issuance ng Notice of Cash Allocation (NCA).
Ipinaliwanag ni Budget Secretary Rolando Toledo na ang government spending, lalo na sa imprastruktura, ay may malakas na multiplier effect.
Aniya, kapag nag-release ng pondo sa tamang oras, nasusuportahan ang mga trabaho, lumalakas ang mga negosyo, at napapabilis ang pagkumpleto sa mga proyekto, na lumilikha ng agaran at tangible benefits para sa mamamayan.
