dzme1530.ph

2 patay, 15 sugatan matapos mag-collapse ang isang tulay sa Colombia

Patay ang dalawang indibidwal habang 15 naman ang sugatan sa bumigay na tulay sa western province ng Valle de Cauca sa Colombia.

Sa isang video na kumalat sa social media, nakita ang truck at sasakyan na bumagsak sa La Vieja River.

Ayon sa mga otoridad, kaagad namang dinala sa pinakamalapit na Medical Center ang mga survivors kabilang ang dalawang sugatan na National Police officer.

Samantala kasalukuyan pang iniimbestigahan ang sanhi ng pag-collapse ng tulay.

About The Author