dzme1530.ph

ALAMIN ANG POSIBLENG EPEKTO NG SOBRA-SOBRANG PAGKAKAPE

Loading

Ang labis na pagkonsumo ng kape ay nagreresulta sa pagkapagod o tinatawag na ‘energy crash’.

 

Ang caffeine ay isang diuretic, na nagiging sanhi ng mas madalas na pag-ihi. 

 

Dahil dito, mabilis ding nailalabas o na-didrain ang  B vitamins sa ating system.

 

Ang B vitamins ay itinuturing na essential para sa natural energy, nerve strength, mood stability at mental clarity o talas ng isip.

 

Upang maiwasan ito, inirerekomenda ang pag-replace o pagbabalik ng mga nawalang bitamina sa pamamagitan ng tamang pagkain at supplements.

 

Ang balanseng nutrisyon at tamang pangangalaga sa energy system ay susi upang manatiling productive, mahilig man sa kape o hindi.

About The Author