dzme1530.ph

Smuggling complaints sa first quarter ng 2023, umabot sa higit 60 —BOC

Pinaigting pa ng Bureau of Customs ang pagsisikap nito na masugpo ang smuggling sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na nagsampa na sila ng 65 criminal complaints na naitala nila sa first qaurter ng 2023 sa Department of Justice kung saan 49 rito ay may kinalaman sa agricultural products.

Kabilang dito ang langis, pagkain, sigarilyo, general merchandise, at used clothing.

Sa pagsasampa ng criminal complaints, sinabi ni Rubio na ito ay isang mensahe sa smugglers na hindi nila kukunsintihin ang mga ilegal na aktibad.

About The Author