dzme1530.ph

PCO, naglunsad ng bagong official logo!

Inilunsad ng Presidential Communications Office ang bago nitong official logo.

Tampok sa bagong logo ang araw at tatlong bituin na katulad ng nasa watawat ng Pilipinas, na sumisimbolo sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Nasa gitna naman ang pluma na sumasagisag sa pagsulat at komunikasyon, at nasa ibaba nito ang kidlat na simbolo ng mabilis na pagpapadala ng balita.

Sinabi ng PCO, na layunin ng paglulunsad ng bagong logo na mas epektibong maipabatid ang kanilang misyon bilang pangunahing ahensya ng ehekutibo sa paghahatid ng impormasyon sa publiko. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author