![]()
Naniniwala si Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan kailangang munang pag-aralan ang lahat ng anggulo sa ipinapanukalang trimestral system sa basic education bago ipatupad.
Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni Yamsuan na kailangang timbangin kung makakatulong ang panukala sa pagpapagaan ng trabaho ng mga guro at pagkatuto ng mga estudyante.
Sinabi ni Yamsuan na nauunawan niya pinanggagalingan ng panukala bunsod na rin ng kakulangan ng pasilidad sa mga paaralan.
Subalit kailangan din anyang isaalang-alang ang pinansyal, education side at kakayanan ng mga estudyante kung makakasabay nga ba ito sa bagong sistemang gagawin.
