![]()
Itinanggi ng Philippine Ports Authority (PPA) ang claims na congested ang mga port sa Maynila.
Kasabay nito ay ang panawagan ni PPA General Manager Jay Santiago, na huwag gumawa ng senaryo na magdudulot ng pangamba sa publiko na magkakaroon ng pagtaas ng mga presyo dahil sa port congestion.
Sinabi ni Santiago na nananatiling “healthy” ang yard utilization sa manila ports kahit above optimum ang utilization.
Idinagdag ng PPA Chief na ang higher utilization ay hindi nangangahulugan ng congestion, at consistent at free flowing pa rin aniya ang cargo processing.
Batay sa port situation data, as of February 12, nasa 72.97% ang yard utilization rate sa Manila South Harbor habang 84.16% sa Manila International Container Terminal.
