![]()
Hiniling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court Pre-Trial Chamber na atasan ang ICC Registry na ibasura ang appointment ng tatlong common legal representatives para sa mga biktima ng war on drugs.
Sa 11-pahinang dokumento, pinasususpinde ng legal team ng dating Pangulo ang access nina Atty. Joel Butuyan, Gilbert Andres at Nicole Arcaina ang access sa records ng mga kaso habang wala pang desisyon sa kanilang apela.
Iginiit ng legal team ang conflict of interest ng mga abogado dahil sina Butuyan at Andres at may professional relationship kay Arcaina, dahil naging magka-trabaho sila sa Centerlaw Philippines.
Idinagdag ng defense team na may conflict of interest sa panig ni Arcaina dahil sa pagsisilbi rin nito bilang case manager at isa pang hindi tinukoy na papel sa mga biktima.
