![]()
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang paglalabas ng pondo, at iba pang mga uri ng ayuda sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ginawa ng Pangulo ang direktiba sa pulong kasama ang mga gobernador at iba pang mga miyembro ng Gabinete, kahapon.
Sinabi ng PCO na sa pamamagitan nito ay matitiyak ang mabilis na relief at recovery para sa mga naapektuhan ng mga kalamidad.
Nais ni Marcos na gawing simple ang proseso ng pagre-release ng tulong sa mga pamilya, at mailabas ang pondo bagopa man tumama ang kalamidad sa lugar.
Tinalakay din ng Pangulo ang river clearing operations upang maibsan ang pagbaha sa mabababang lugar.
