dzme1530.ph

BAGONG AMBASSADOR NG CHINA SA BANSA, DAPAT NANG PALITAN, AYON KAY SEN. JV EJERCITO

Loading

IGINIIT ni Senador JV Ejercito ang pangangailangang mapalitan na agad ang bagong ambassador ng China sa Pilipinas na si Jing Quan.

Sinabi ni Ejercito na wala pang dalawang buwan sa bansa ang ambassador ay tila mas pinalalala pa nito ang sitwasyon ngayon sa pagitan ng Pilipinas ang China.

Bago pa lamang anya siya subalit masyado nang agresibo sa bawat pahayag na binibitiwan.

Binigyang-diin ng senador na hindi nakakatulong ang ambassador upang gumanda ang relasyon ng Pilipinas at China kaya’t dapat siyang mapalitan.

About The Author