dzme1530.ph

MAYARI NG M/V TRISHA KERSTIN 3, PINASASAMPAHAN NG KASONG ADMINISTRATIBO

Loading

Titiyakin ni Senate Committee on Public Services Chairman Raffy Tulfo na masasampahan ang mga kasong administratibo at kriminal ang mga mayari ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 sa Basilan.

 

Sinabi ni Tulfo na malaki ang pananagutan ng mga mayari ng Aleson Shipping Lines incorporated kaya’t nangyari ang insidente na ikinasawi ng 52 katao. 

 

Bukod sa kumpanya, nais din ng senador na managot ang mga tauhan ng Maritime Industry Authority at maging ang Philippine Coast Guard na nagpabaya sa tungkulin kaya’t nauwi sa trahedya ang biyahe ng barko. 

 

Sa pagdinig ng senado kanina, kinumpirma ng Department of Transportation na overloaded ang barko hindi lamang ng mga tao kundi maging ng mga kargamento.

 

About The Author